Mosque grinanada: Preacher patay , 16 sugatan
March 25, 2001 | 12:00am
LAMBAYONG, Sultan Kudarat – Isang muslim preacher ang nasawi habang 16 na katao ang nasugatan matapos sumabog ang isang granada sa loob ng mosque na inihagis ng hindi pa kilalang suspek sa Bgy. Poblacion, kamakalawa ng umaga.
Ayon sa ulat ng militar na bandang alas 5:30 ng umaga habang sumasamba ang grupo ng mga muslim sa loob ng mosque isang lalaki na may talukbong ang ulo ang bigla na lamang nanghagis ng granada sa gitna.
Agad na sumambulat ang nasabing granada na agad ikinasawi ng preacher na si Ustadz Abdul Karim Suaid Padaw, 48, may-asawa, at residente ng Bgy. Maranding, Lambayong, Sultan Kudarat.
Tatlo sa 16 na nasugatan ang nasa malubhang kalagayan na nakilalang sina Said Angka,17; Misuari Amno, 14; at Masairing Dalamban, 50 na kasalukuyang nasa Cotabato Regional Medical Center habang ang ibang nasugatan ay dinala naman sa Quijano Hospital at Lambayong Hospital.
Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan na ang motibo ng paghagis ng granada ay paghihiganti dahil noong nakalipas na Miyerkules ay may dalawang muslim ang pinagbabaril ng kapwa nito muslim sa bayan ng Tacurong malapit sa bayan ng Lambayong at sinasabing isa umano sa mga nagsisimba doon ang suspek sa pamamaril.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na pagkatapos ang nasabing pagsabog ay isa umanong motorsiklo na DT-Yamaha ang biglang humarurot palabas ng mosque na may lulan umanong dalawang katao. (Ulat ni Teng Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended