P2-M pekeng sigarilyo nasabat
March 24, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Tinatayang aabot sa 2 milyong pisong halaga ng mga pekeng Marlboro cigarettes ang nasamsam ng mga tauhan ng Angeles City Police (ACPO) sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa isang pampublikong pamilihan sa bayan ng Mabalacat, Pampanga, kamakalawa.
Ang mga nasamsam na mga pekeng sigarilyo ay sinasabing pag-aari nina Liza Alcantara, Allan Tan at Apolinario Lansang. Ang mga nabanggit ay mabilis na dinakip ng pulisya at kasalukuyang dinala sa Angeles City-PNP upang imbestigahan.
Ayon sa ulat, nakumpiska sa naturang pagsalakay ang kabuuang 321 malalaking kahon na naglalaman ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P2 milyon. Ito ay nakatago sa isang bodega sa Mabalacat Public Market .
Ang isinagawang pagsakalay ay base na rin sa iniharap na sumbong ng tunay na tagagawa ng sigarilyong Marlboro at sa ipinalabas na search warrant ni Angeles City Regional Trial Court Branch 57 Judge Omar Viola. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 6 hours ago
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Cristina Timbang | 6 hours ago
Recommended