^

Probinsiya

5 kidnappers tiklo sa pagdukot ng bombay

-
Nadakip ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang limang kidnappers kabilang ang kanilang lider, habang nailigtas naman ang dinukot nilang Indian national at nabawi ang P1.4 milyong ransom money, kamakalawa sa Moncada, Tarlac.

Iniharap kahapon nina DILG Secretary Joey Lina, PNP acting chief Leandro Mendoza at PAOCTF chief Hermogenes Ebdane ang naarestong mga suspect na sina Esmeraldo Abalos, Angelito Sampang, Edgar Macaraig, Sughit Singh at ang lider na si Frindal Singh, alyas Joseph Singh.

Nailigtas naman ng mga awtoridad ang kidnap-victim na si Paul Naal Iqbal, 36, negosyante ng Poblacion, Gerona, Tarlac.

Binanggit ng nabawing biktima na dinukot siya ng grupo ng mga suspect noong nakaraang linggo at kamakalawa ng gabi ay napilitang magbayad ang kanyang pamilya ng halagang P1.4 milyon ransom.

Gayunman, dahil sa takot ng pamilya ng biktima na patayin ng mga suspect ang bihag ay nagawang magsumbong ng pamilya nito sa mga awtoridad.

Ang mga suspect ay sinunggaban ng mga tauhan ng PAOCTF sa kanilang hideout sa nasabing lugar. Nasamsam sa mga ito ang dalawang kalibre .45 baril, dalawang motorsiklo at cellphones.

Ligtas namang nabawi ang biktima at ang ransom money na ibinayad sa mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

ANGELITO SAMPANG

EDGAR MACARAIG

ESMERALDO ABALOS

FRINDAL SINGH

HERMOGENES EBDANE

JOSEPH SINGH

LEANDRO MENDOZA

PAUL NAAL IQBAL

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with