8 kuratong Baleleng nalambat
March 23, 2001 | 12:00am
Walong pinaghihinalaang natitirang miyembro ng notoryus na Kuratong Baleleng Group na sangkot sa serye ng insidente ng robbery-holdup sa ibat ibang bahagi ng lalawigan ng Bukidnon ang nadakip ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang raid sa hideout ng mga suspect kamakalawa sa Malaybalay City.
Kinilala ng mga awtoridad ang naarestong mga suspect na sina Alvin Acacio, 19, itinuturong lider ng grupo, Gimbo Banudo, Holito Encabo, Rebecca Lamaso, Charlie Egbor, Jerome Roco, Rey Paraiso at Tony Rubio, pawang mga tubong Ozamis City.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nabatid na ang mga suspect ay nasabat sa loob ng kanilang safehouse sa isang tagong lugar sa naturang lungsod habang silay nagpaplano umano ng panibagong bibiktimahin.
Ayon kay SPO1 Felizalde Cultura na siyang namuno sa operasyon, ang pagsakote sa mga nalalabing kasapi ng notoryus na grupo ay bunsod ng reklamong inihain ng isang kilalang negosyante hinggil sa umanoy pagnanakaw sa kanya ng isang grupo ng mga suspect na tumangay sa malaking halaga ng pera at iba pang personal na pag-aari.
Nabatid na habang inilinya sa harapan ng biktimang nakilalang si Alfredo Lumaca ang mga naaresto na biktima ay positibo niyang nakilala ang mga ito na siyang nasa likod ng panghaharang at pagnanakaw sa kanya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended