^

Probinsiya

5 taon baliw nakuryente gumaling

-
GUINOBATAN, Albay – Maituturing na himala ang naganap sa isang 39 anyos na lalaki na umano ay limang taon na baliw matapos na ito ay gumaling nang ito ay makuryente sa poste ng Albay Electrical Company (ALECO) kamakalawa ng umaga sa Bgy.Travesia ng bayang ito.

Ang biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital dahil sa mga lapnos na natamo nito sa buong katawan ay nakilalang si Marcelo Perez, residente ng Bgy. Carolina, Naga City.

Ayon kay Insp. Alberto Barrera, hepe ng pulisya na dakong alas 6:00 ng umaga ng maglambitin sa puno si Perez bago ito ay umakyat sa poste ng Aleco.

Nabahala ang mga residente sa ginawang pag-akyat sa poste ni Perez dahil sa baka ito ay makuryente.

Si Perez ay limang taon ng may kapansanan sa utak matapos hindi nito makayanan ang ginawang pag-iwan ng kanyang asawa na sumama sa ibang lalaki.

Mabilis na nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad para iligtas at ibaba ang biktima sa poste.

Subalit natakot umano ang biktima at aksidenteng nahawakan nito ang bukas na kawad ng kuryente kaya’t nangisay ito at nahulog.

Nang ito ay maisugod sa ospital ganoon na lamang ang pagtataka ng mga kapatid nito at kamag-anak at halos hindi sila makapa-niwala ng bumalik na ito sa katinuan. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY ELECTRICAL COMPANY

ALBERTO BARRERA

BGY

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

ED CASULLA

MARCELO PEREZ

NAGA CITY

PEREZ

SI PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with