Dakong alas-5:30 ng umaga nang pamunuan ng opisyal ng mga rebelde na nakilalang si Ka Nards ang mahigit sa 40 nitong tauhan at tinangkang salakayin ang himpilan ng pulisya sa Barangay Telesfora sa nabanggit na bayan.
Gayunman, agad na natunugan ng mga tauhan ng pulisya ang presensiya ng mga rebelde na dito na nagsimulang magpalitan ng putok ang magkabilang panig.
Agad ding nakatawag ng reinforcement ang puwersa ng pulisya at sa tulong na rin ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ay napilitan nang umatras ang mga rebelde lalo pa ngat apat sa kanilang mga kasamahan ang humandusay.
Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa panig ng puwersa ng pamahalaan.
Narekober sa lugar na pinangyarihan ng labanan ang tatlong M16 rifles at isang M14 rifle. (Ulat ni Joy Cantos)