^

Probinsiya

4 NPA rebels todas sa engkuwentro

-
Apat na miyembro ng mga rebeldeng NPA ang nasawi nang salubungin sila ng pagpapaulan ng putok ng mga nakaalertong tauhan ng pulisya na nagbabantay sa tinangka nilang salakaying himpilan sa Barangay Telesfora sa Tubay, Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang pamunuan ng opisyal ng mga rebelde na nakilalang si Ka Nards ang mahigit sa 40 nitong tauhan at tinangkang salakayin ang himpilan ng pulisya sa Barangay Telesfora sa nabanggit na bayan.

Gayunman, agad na natunugan ng mga tauhan ng pulisya ang presensiya ng mga rebelde na dito na nagsimulang magpalitan ng putok ang magkabilang panig.

Agad ding nakatawag ng reinforcement ang puwersa ng pulisya at sa tulong na rin ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ay napilitan nang umatras ang mga rebelde lalo pa nga’t apat sa kanilang mga kasamahan ang humandusay.

Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa panig ng puwersa ng pamahalaan.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng labanan ang tatlong M16 rifles at isang M14 rifle. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AGUSAN

APAT

BARANGAY TELESFORA

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

DAKONG

GAYUNMAN

JOY CANTOS

KA NARDS

NAREKOBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with