Paslit ginulpi ng amain
March 18, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Sarado ang mata at nagkapasa-pasa ang buong katawan ng isang 10-anyos na batang lalaki matapos na ito ay gulpihin ng kanyang stepfather dahilan lamang sa pagnanais ng biktima na makipanood ng telebisyon sa kanilang kapitbahay sa St. Michael Subdivision sa lunsod na ito, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na naka-confine pa rin hanggang sa ngayon sa Quezon Memorial Hospital ay nakilalang si Prince Marvin Alonte, samantalang nadakip naman ang suspect na si Edgardo Radones.
Base sa salaysay ng biktima, matagal na umano siyang sinasaktan ng kanyang amain kahit na sa kaunting pagkakamali subalit hindi siya makapagsumbong sa kanang ina dahil sa takot na totohanin ng suspect ang bantang sila ay papatayin.
Kamakalawa dakong alas- 3 ng hapon ay nakita ng suspect ang biktima na pasi-lip-silip sa pintuan ng kanilang kapitbahay. Tinawag umano ng suspect ang bata at inutusang umuwi subalit dala ng pagiging bata ay ipinagpatuloy pa ng huli ang panonood ng TV.
Dahil sa inis ng suspect ay kinaladkad ng suspect ang biktima at pinagtatagyakan pa ito sa ibat-ibang bahagi ng katawan at ang mukha ay iningudngod sa lupa na naging sanhi upang magsara ang mata nito. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am