Coed binurdahan ng saksak ng dating pastor na inireklamo ng rape
March 17, 2001 | 12:00am
BACOOR, Cavite Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang 17-anyos na college student, makaraang ito ay balikan at pagsasaksakin ng inireklamo niyang dating pastor na umanoy gumahasa sa kanya, kamakalawa ng umaga habang ang biktima ay papasok sa eskuwela sa Panapaan 6 sa bayang ito.
Nasa malubhang kalagayan ngayon sa St. Dominic Medical Center sanhi ng dami ng saksak sa katawan ang biktimang si Rachel, 17, 1st year college student at residente ng Imus, Cavite.
Samantalang ang suspect na kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya makaraang tumakas matapos ang isinagawang krimen ay nakilalang si Joel Rimando, dating pastor na ngayon ay isa ng security guard at residente ng Almanza St., Maricaban, Pasay City.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Dominador Montances, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga habang ang biktima ay papaakyat sa hagdan ng kanilang eskuwelahan ng bigla na lamang itong sugurin ng suspect at walang sabi-sabing inundayan ng sunod-sunod na saksak.
Nang makita ng suspect na bumulagta na ang biktima ay inakala nitong napatay na niya kung kaya mabilis na itong tumakas dala ang ginamit na patalim.
Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay unang ginahasa ng suspect noong nakalipas na Hunyo, 2000. Ito ay kinasuhan ng biktima.
Simula noon ay nagtago na ang suspect at nakatanggap na rin ng mga pagbabanta ang biktima, hanggang sa matiyempuhan ng una ang huli kamakalawa.
Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya laban sa tumakas na suspect. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended