DECS signature forgery syndicate, bubusisiin
March 17, 2001 | 12:00am
Isang malawakang imbestigasyon na ngayon ang ipinag-utos ni Department of Education, Culture and Sports (DECS) Secretary Raul Roco upang makilala at malansag ang malaking sindikato na namemeke ng pirma ng mga nagiging kalihim dito partikular na sa kanyang mga tauhan sa Central office.
Ayon kay Roco, maaari umanong bilyon-bilyong pondo na ang naitakas ng sindikatong ito dahil sa laki ng mga halagang kanilang nadiskubre na tangkang itakas ng sindikato gamit ang pekeng pirma ni dating Secretary Andrew Gonzalez.
Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Roco na bukod sa mga naunang request na P231,744,826 para sa mga laboratoryo at mga pasilidad sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region IX, V at VIII at P191,093,750 sa pagpapalabas ng mga libro para sa Region VI, IX, V at VIII, isa pang request ang nahalungkat na nagkakahalaga ng mas malaking P357,909,998 gamit ang pekeng pirma ni Sec. Gonzalez.
Ang naturang halaga umano base sa request kay Pangulong Arroyo ay para sa paggawa ng mga science laboratories at pagbili ng ibat ibang libro para sa Region V, VI, VII, IX at XII.
Sinabi ni Roco na hindi umano alam ni Gonzalez ang nangyayaring ito sa departamento at malamang na matagal nang nangyayari. Isang organisadong grupo umano ang may kagagawan nito dahil sa ganito rin ang sistemang ginawa sa pamemeke ng pirma ni Acting Defense Secretary Eduardo Ermita upang makakuha rin ng pondo sa DND. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am