Mag-asawa tiklo sa droga

OLONGAPO CITY – Isang mag-asawa ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Olongapo City PNP Drug Enforcement Group at ng Regional Criminal Investigation and Detection Group matapos makuhanan ng ilang gramo ng shabu sa isinagawang pagsalakay sa kanilang tahanan sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City, kamakalawa.

Nakilala ang mga dinakip na sina Omar Dardagan, 29 at asawa nitong si Marites, 29, ng No 17 Acacia St. Purok 1, Gordon Heights sa nabanggit na lunsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi ng isagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Eliodoro Ubiadas ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 72.

Nasamsam sa mga ito ang ilang gramo ng shabu at isang. 38 revolver na baril at mga drug paraphernalias. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments