^

Probinsiya

Tumangging magbayad sa bar, tinodas

-
CANDELARIA, Quezon – Binaril hanggang sa mapatay ang isang 25-anyos na obrero ng di pa nakikilalang salarin matapos na ang biktima ay tumangging bayaran ang kanyang bill sa isang videoke bar sa Barangay Malabanban Norte sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector Armando Dolor, chief of police sa bayang ito ang biktima na si Felix Monserat, residente ng Barangay Masin Norte, habang tumakas naman ang di-nakikilalang suspect.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Rafael Ausa, may hawak ng kaso, dakong alas-9:00 ng gabi ay sinisingil ang biktima ni Jeanete Baluarte, trabahador sa Sally Videoke bar.

Tumanggi ang biktima na bayaran ang kanyang bill kung kaya’t nagpasya si Baluarte na tumawag ng pulis upang ipahuli ang una.

Hindi pa man nakakapasok sa loob ng videoke bar ang mga pulis na sinundo ni Baluarte ay nakarinig na sila ng isang malakas na putok ng baril mula sa loob ng establisimyento at ng sila ay pumasok ay nakita nilang nakadapa ang biktima at naliligo sa kanyang sariling dugo dahil sa tama ng punglo sa ulo.

Hinihinala ng mga awtoridad na nainis ang di nakikilalang suspect sa biktima dahil sa pagtanggi nitong bayaran ang kanyang bill, gayunman ay kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya. (Ulat ni Tony Sandoval)

BALUARTE

BARANGAY MALABANBAN NORTE

BARANGAY MASIN NORTE

BATAY

CHIEF INSPECTOR ARMANDO DOLOR

FELIX MONSERAT

JEANETE BALUARTE

RAFAEL AUSA

SALLY VIDEOKE

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with