11 katao nalason sa hipon
March 14, 2001 | 12:00am
LABO, Camarines Norte Umaabot sa 11 katao ang iniulat na nalason, tatlo sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan makaraang kumain ng hipon kamakalawa ng umaga sa Barangay Napilihan, Vinzons, Camarines Norte.
Walo pa lamang sa mga biktima ang nakikilala. Ito ay sina Arminda Viceno, 40; Luz Espiritu, 66; Victor Espiritu, 69; Winnie Soterio, 46; Fortunato Aquino, 33; Victor Gadil, 20, Mary Jane Viduya at isang nagngangalang Balane. Ang mga nabanggit ay ginagamot sa Saint Jude Hospital sa bayan ng Labo, samantalang ang tatlo pang malubha ay ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital. Hindi agad nakuha ang mga pangalan nito.
Sinabi sa ulat na dakong alas-9 ng umaga ng kumain ng ginataang hipon ang mga biktima at pagkaraan ng ilang minuto ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.
Isang masusing pagsisiyasat pa ang isinasagawa ukol dito. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Joy Cantos | 3 hours ago
Recommended