^

Probinsiya

Konduktor patay sa army major

-
CAMP OLIVAS, Pampanga - Isang konduktor ng bus ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang Army major na kanya nitong kainuman nang dahil lamang sa tuksuhan sa Barangay Marikit, Pantabangan, Nueva Ecija, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay Nueva Ecija Police Director Supt. Aurelio Hiteroza, nakilala ang nasawing biktima na si Rogelio Marquez, 25, binata at residente ng Barangay Marikit, Pantabangan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:35 ng hapon nang maganap ang insidente habang nag-iinuman ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan at ang salarin na si Army Major Manuel Pangilinan ng Alpha Coy, 71st Infantry Battalion, 7th Infantry Division-Philippine Army.

Ayon sa ulat ng pulisya, napag-alaman na masyado umanong tinutuya o tinutukso ng biktima ang suspect na pilit namang pinatatahimik ang una.

Sa halip na tumahimik sa kanyang panunukso ay sinabihan pa umano ng biktima na "duwag" ang walang kibo na sundalo hanggang sa bigla na lamang na bumunot ng baril ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang biktima na kaagad nitong ikinasawi.

Makalipas ang naganap na insidente ay kaagad namang sumuko ang suspect sa pulisya dala ang ginamit na baril. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ALPHA COY

ARMY MAJOR MANUEL PANGILINAN

AURELIO HITEROZA

AYON

BARANGAY MARIKIT

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION-PHILIPPINE ARMY

JEFF TOMBADO

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA POLICE DIRECTOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with