Pamilya todas sa granada ng MILF rebels
March 14, 2001 | 12:00am
Tatlong miyembro ng isang pamilya ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki makaraang sumabog ang granadang itinanim ng mga pinaghihinalaang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kamakalawa sa Zamboanga del Norte.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Leoncio Malicay, asawa nitong si Nimfa at anak na si Raffy, residente ng Purok Orchids, Near Old Airport, Siyacab, Dipolog City.
Nabatid na ang mga biktima ay halos natusta matapos na magtamo ng matitinding tama ng sharpnel sa mga ibat ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa agarang pagkasawi ng mga ito.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang 2:35 ng hapon ng matagpuan at pulutin ng paslit na si Raffy ang isang granada sa may likurang bahagi ng kanilang bahay na pinaniniwalaang itinanim ng mga suspect.
Sa pag-aakalang laruan ang nasabing granada ay agad niya itong ipinakita sa kanyang ama.
Mabilis namang dinismantle ni Leoncio ang granada subalit bigla itong sumabog sa kanyang kamay kalapit ang kanyang mag-ina.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Dipolog City Police Station hinggil sa naganap na insidente.
Kasalukuyan nang nakalagak sa Gamalainda Funeral Home ng nasabing lugar ang bangkay ang mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended