^

Probinsiya

22 armas nasabat

-
Dalawampu’t dalawang (22) iba’t ibang uri ng mga armas ang nakumpiska ng tropa ng mga sundalo mula sa 200 sibilyang lulan ng tatlong motorboats sa Jolo, Sulu, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Base sa nakarating na report sa Camp Aguinaldo kahapon, dalawang team mula sa 104th Infantry Brigade at dalawang platoons mula sa Jolo Internal Defense Forces ang narekober ng tropa ng pamahalaan sa isinagawang operasyon sa Jolo Wharf dakong alas-8:25 ng gabi kamakalawa.

Ang nasabing search operation ay isinagawa laban sa mga lalaking pasahero na lulan ng M/V Farida, M/L Adiana at M/L Arsenia na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 13 revolvers, limang 45 caliber pistols, dalawang garand rifles, isang M14 rifle at isang M16 rifle.

Napag-alaman na ang tatlong barko ay mula sa Bongao, Tawi-Tawi ng maispatan ng mga nagpapatrulyang elemento ng pamahalaan.

Sa isinagawang imbestigasyon, iginiit ng mga pasahero na sila’y dadalo sa koronasyon ng isang kinilala sa pangalang Ismael Kiram at ng nakababata nitong kapatid na si Mahakuttah Kiram, kasalukuyang Sultan ng Sulu.

Ang mga nakumpiskang armas ay inilagak na sa Army’s headquarters sa Jolo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BRIGADE

ISMAEL KIRAM

JOLO

JOLO INTERNAL DEFENSE FORCES

JOLO WHARF

JOY CANTOS

L ADIANA

L ARSENIA

MAHAKUTTAH KIRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with