5 pang chief of police sinibak dahil sa jueteng
March 13, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Limang chief of police, tatlo dito ay mula sa Rizal ang sinibak sa puwesto ni Chief Supt. Domingo Reyes sa kabiguan ng mga itong sugpuin ang operasyon ng illegal na sugal partikular na ang jueteng sa kanilang nasasakupan.
Kasabay nito, hinamon ni Reyes ang sampung provincial director at chief of police mula sa Southern Tagalog na mag-resign na lamang kung hindi nila mapapahinto ang mga illegal na sugalan at bold shows sa mga nightclub.
Nakilala ang sinibak na mga opisyal na sina Supt. Efren Yebra ng Antipolo City Police Station, Chief Inspector Manuel Abu ng Rodriguez Police Station at Chief Inspector Ceferino Avedaño ng Morong Police Station, pawang nasasakupan ng Rizal at Chief Inspector Nestor dela Cueva ng Bay at Chief Inspector Renato Angara ng Los Baños Police Station.
Ipinaliwanag ni Reyes na kasunod ng pagkakasibak sa mga nabanggit na hepe ng pulisya ay kanyang iniutos kina Laguna provincial director Supt. Nilo Dela Cruz at Rizal provincial director Luizo Ticman na pansamantalang magtalaga na ng magsisilbing OIC.
Ayon kay Reyes, ang nasabing hakbang ay bunsod na rin sa nakalap na intelligence report na nakarating sa kanyang tanggapan kung saan nabatid na niyang patuloy pa rin ang operasyon ng mga illegal na sugal sa nasabing lugar. (Ulat nina Ed Amoroso at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest