79 preso pinayagang makaboto sa May 14 elections
March 13, 2001 | 12:00am
DARAGA, Albay Pitumput-siyam na preso buhat sa Albay Provincial Jail (APJ) ang pinayagan ng lokal na hukuman dito na maaaring makaboto sa darating na halalan sa Mayo 14, 2001.
Sa kautusan ni Judge William Bolante ng Municipal Trial Court kay Antonio Padilla ang Municipal Election Registrar sinabi nito na isama sa talaan ng mga botante na maaaring bumoto sa darating na eleksyon ang naturang bilang ng mga bilanggo.
Ang naturang kautusan ay ipinarating din sa mga election tellers ng Barangay Tagas kung saan naroroon ang panlalawigang piitan para doon bumoto ang mga ito.
Ayon kay Judge Bolante, ang 79 na bilanggo ay pawang mga akusado pa lamang kayat ang mga ito ay dapat payagan sa ilalim ng right of suffrage.
Sa Barangay Tagas, ipinag-utos na bumoto ang mga ito dahilan sa maituturing na naninirahan na ang mga ito ng mahigit anim na buwan sa nabanggit na barangay bilang mga prisoner sa APJ.
Magugunitang nakarating sa hukuman ang usapin dahilan sa petisyong inilatag ng mga bilanggong sina Marcelo Andes at Alejandrino Marbida sa warden ng APJ na si William Velasco na humihiling na payagan silang makalabas ng kulungan noong nakalipas na Disyembre 27 para makapagpatala sa COMELEC bilang mga botante.
Gayunman, hindi pumayag ang warden dahil sa wala namang pahintulot ng korte para sila makalabas.
Ipinaliwanag pa ni Judge Bolante na ang pagiging bilanggo ng mga nabanggit ay hindi dapat na maging hadlang sa kanilang karapatang bumoto dahil sa ito ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas hanggat nasa kanila ang kuwalipikasyon na itinatadhana ng batas.
Ang naging desisyon naman ni Bolante ay humatak ng ibat-ibang komento dahilan sa ito ang kauna-unahang pangyayari sa Albay na ang mga bilanggo ay papayagang makalabas ng selda para tumungo sa voting precinct at bumoto.
Sinabi naman ni COMELEC Acting regional Director Zacarias Zaragosa na ang mga bilanggo ay hindi maaaring makalabas ng kanilang kulungan para bumoto dahil sa ito ay labag sa mga probisyon na itinatadhana ng batas. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest