Aussie national nalunod sa beach resort
March 12, 2001 | 12:00am
OLONGAPO CITY Isang bangkay ng Australian national ang nakitang lumulutang-lutang sa karagatan na sakop ng Zambales na pinaniniwalaang nalunod habang naliligo sa isang beach resort dito sa Barangay Barretto, kamakalawa.
Sa ulat ni Olongapo City Police Office (OCPO) Director Supt. Danilo Empedrad, nakilala ang biktima na si Margarette Lindinger, 77, isang Australian tourist sa bansa at pansamantalang naninirahan sa No. 43-C Timaan St. Barangay Barretto sa naturang lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:35 ng umaga nang matagpuan ng isang mangingisda ang lumulutang na bangkay ng biktima sa Baloy Long Beach na sakop ng Zambales province sa nabanggit na lugar.
May hinala ang pulisya na maaaring hindi napansin ng biktima ang agad na pagtaas ng tubig at ang malakas na underwater current sa ilalim ng dagat na siya nitong ikinalunod hanggang sa masawi.
Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Flores Funeral Parlor upang isailalim sa awtopsiya. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest