Pagkalason sa kinaing karne ng baka, pinabulaanan ng doctor
March 11, 2001 | 12:00am
Itinanggi ni Dr.Rodrigo Ladia ng Malolos San Vicente Hospital na hindi kaso ng pagkalason sa pagkain ang sanhi ng pagkasakit ng tiyan ng dalawang katao (hindi lima tulad ng napabalita) mula sa Bgy. Sta.Isabel, Malolos, Bulacan.
Sina Janet Talastas Albus, 25 anyos ay na-confine sa nasabing pagamutan dahil sa gastroenteritis habang ang kanyang anak na si Mary Magdalene, 2 anyos ay na-ospital dahil sa sakit nito sa baga. Sinabi ni Janet kay Dr.Ladia na siya ay nakakain ng kamote na maaaring maraming ulalo kaya sumakit ang kanyang tiyan.
Samantala nagbigay naman ng garantiya si Bulacan Provincial Agriculture Officer Jesus de Guzman na hindi dapat mangamba ang mga mamamayan ng Bulacan dahil walang "mad cow disease" sa mga karneng baka na itinitinda sa mga palengke. (Ulat ni June Trinidad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended