Ito ay matapos na kumpirmahin ng Commission on Elections (COMELEC) Regional Office na nag-file ng kandidatura si Jalosjos noong nakaraang buwan para muling tumakbong Congressman sa ikatlong pagkakataon.
Gustong gumawa ng muling kasaysayan si Jalosjos na nanalo noong 1998 bilang Congressman ng 1st District ng Zamboanga del Norte kahit na ito ay nahatulan sa kasong statutory rape at nakakulong sa Muntinlupa Bilibid Prison.
Si Jalosjos na tumatakbo sa ilalim ng partido ng National Peoples Coaliton ay makakaharap ang Lakas NUCD-UMDP bet na si James Adasa.
Ayon sa mga political observers na malaki ang tsansa ni Adasa na magwagi laban kay Jalosjos dahil sa kinasapitan nito.
Subalit ayon sa kampo ni Jalosjos na huwag umanong magsiguro si Adasa dahil kahit na hindi nila nakikita ang kanilang Congressman ay marami itong nagawang proyekto sa kanilang lugar at marami ditong sumisimpatiya. (Ulat ni Roel D. Pareño)