^

Probinsiya

Mag-lover tiklo sa 20 kilo na Marijuana

-
CAMP OLIVAS, Pampanga –Tinatayang aabot sa 20 kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mag-lover na umanoy notorious hashish distributor sa isinagawang pagsalakay sa tahanan nito sa Barangay Abagon, Gerona, Tarlac, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Enrique Galang, kasabay na inaresto ng pulisya ang mag-lover na nakilalang sina Albert Balmores, 42, at Catherine Sangdaan, 32, ng West Quirino Hill, Baguio City at kapwa naninirahan sa Barangay Abagon sa nabanggit na lugar.

Narekober din ng pulisya mula kay Balmores ang isang .38 caliber Armscor homemade revolver at ilang mga marijuana packaging at retailing paraphernalias na hinihinalang ginagamit sa pagbabalot sa nasabing droga.

Ayon sa ulat ng pulisya na dakong alas-2:30 ng hapon ng isagawa ang naturang pagsalakay sa tahanan ni Balmores sa nasabing lugar ng mga awtoridad sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ng Gerona Regional Trial Court (RTC).

Natagpuan ng mga awtoridad sa tahanan ni Balmores ang dalawang malaking plastic container na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at ilang rolled marijuana sa loob naman ng glass container.

Napag-alaman sa ulat na si Balmores ay sinasabing notorious hashish distributor sa lalawigan ng Tarlac at matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang suspek hinggil sa pagkakasangkot nito sa ipinagbabawal na droga.

Ang dalawa ay kasalukuyang nakapiit sa Gerona PNP detention cell at sinampahan na ng kaso sa Gerona RTC, samantalang ang mga nakumpiskang 20 kilong marijuana leaves ay dinala sa Provincial PNP Crime Laboratory sa nabanggit na lalawigan. (Ulat ni Jeff Tombado )

ALBERT BALMORES

BAGUIO CITY

BALMORES

BARANGAY ABAGON

CATHERINE SANGDAAN

CRIME LABORATORY

DIRECTOR CHIEF SUPT

ENRIQUE GALANG

GERONA

GERONA REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with