5 menor-de-edad naisalba sa pagmamaltrato ng lola
March 10, 2001 | 12:00am
Limang bata kabilang ang isang 2-anyos na batang babae na dumanas ng pangmamaltrato sa kanilang malupit na lolang pinaghihinalaang drug pusher ang nailigtas ng mga operatiba ng PNP-Women and Children Complaint Office at Department of Social Welfare and Development (WACCO-DSWD) sa isinagawang operasyon sa Calamba, Laguna.
Sinabi ni Atty. Felicidad Gido, pinuno ng WACCO na ang mga nailigtas na bata mula sa panggugulpe ng kanilang lola ay dinala na sa tanggapan ng (DSWD) National Capital Region (NCR) sa Sampaloc, Manila.
Ayon kay Gido, ang lola ng mga biktima na kinilalang si Concordia Naval, 49-anyos ay binabatikos at inirereklamo ng kanilang mga kapitbahay dahilan sa sobrang pagmamalupit sa kaniyang mga apo.
Gayunman, tumanggi si Gido na tukuyin ang pangalan at edad ng magkakapatid na biktima na pawang bugbog sarado sa kanilang lola ng mailigtas ng mga awtoridad upang pangalagaan ang seguridad ng mga ito.
Sinabi ni Gido na nakatanggap sila ng report na ang limang bata ay ginagamit ng kanilang lola sa illegal aktibidades nitong pagtutulak ng droga partikular na ang shabu sa mga regular na kliyente nito.
Napag-alaman na ang mga bata ay inabandona ng kanilang ama sa kanilang lola matapos itong maaresto ng PNP sa kasong murder na ngayoy kasalukuyang nakapiit sa Provincial Jail ng Laguna.
Samantalang ang ina ng mga bata ay isa umanong entertainer sa isang pamosong disco club sa bansang Japan.
Sinabi pa ng pulisya, ang lola ng mga bata ay itinuturong pamosong drug pusher sa kanilang lugar.
Ipinagharap na ng kasong child abuse at iba pang kasong kriminal ang suspek sa Laguna Prosecutors Office. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended