2 bangka nagsalpukan: Misis na buntis nalunod
March 9, 2001 | 12:00am
BULACAN, Bulacan Isang magandang ginang na sinasabing walong buwang buntis ang iniulat na nasawi sa pagkalunod, samantalang dalawa katao naman ang nasugatan makaraang bumangga sa isang malaking bangkang panghuli ng isda at ang pampasaherong bangka na kanilang sinasakyan habang kapwa nila binabaybay ang kahabaan ng Taliptip river sa Barangay Taliptip sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Ang nasawi ay nakilalang si Beth Caayao-Mercado, 22-anyos ng Barangay Bambang, Bocaue, Bulacan, samantalang ginagamot naman sa pinagdalhang pagamutan ang dalawang nasugatan na hindi pa nakukuha ang mga pangalan.
Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-5:00 ng hapon habang ang mga pasahero ay lulan ng nasabing bangka at binabaybay patungong Norte ang nasabing ilog.
Nang sa may kurbadang bahagi nito ay bigla na lamang bumulaga sa kanilang harapan ang paparating namang bangka na panghuli ng isda at huli na upang umiwas ang mga nagmamaneho nito sa naka-ambang panganib, hanggang sa kapwa magbanggaan na nagresulta sa pagkasira at paglubog ng pampasaherong bangka na naging dahilan din sa pagkamatay ng ginang at pagkakasugat ng dalawang pasahero nito.
Kasalukuyan namang pinipigil ng pulisya ang dalawang driver ng nagbanggaang bangka na nakilalang sina Jose Roque, driver ng pampasaherong bangka at Reynaldo dela Cruz, kapwa residente sa bayang ito upang papanagutin sa naganap na insidente. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended