^

Probinsiya

Pekeng NPA rebels tiklo sa pangongotong

-
CALAUAG, Quezon – Dahil sa kakapusan sa perang ipambibili ng pagkain ng kanyang pamilya, isang obrero ang nagpanggap na miyembro ng New People’s Army (NPA) subalit minalas na madakip ng mga sundalo habang nasa aktong kinokotongan nito ang isang negosyante sa Barangay Sta. Maria sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si Rolando Ogana, 41, may-asawa at residente ng Barangay Hondagua, Lopez, Quezon.

Si Ogana ay nadakip ng mga elemento ng 201st Infantry Battalion, Philippine Army habang kinukuha nito ang halagang P1,000 mula sa isang may-ari ng tindahan na di tinukoy ang pangalan.

Sinasabi sa ulat na dakong alas-4:00 ng hapon ay nakatanggap ng impormasyon si Major Benigno Estrada, hepe ng naturang hukbo ng mga sundalo tungkol sa presensya ng isang NPA sa naturang barangay na umano’y nanghihingi ng revolutionary tax.

Hindi na nakapalag ang suspek ng siya ay dakpin ng mga sundalo at doon na rin nalaman na hindi ito totoong miyembro ng NPA.

Sa interogasyon ay sinabi ng suspek na hindi sapat ang perang hawak niya upang ipambili ng pagkain ng kanyang pamilya kung kaya naisip niyang magkunwaring NPA. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY HONDAGUA

BARANGAY STA

INFANTRY BATTALION

MAJOR BENIGNO ESTRADA

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

QUEZON

ROLANDO OGANA

SI OGANA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with