2 death convicts binabaan ni GMA ng sentensya
March 7, 2001 | 12:00am
Dalawang bilanggong may hatol na kamatayan ang pinagkalooban ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pagbaba ng sentensiya.
Nilagdaan ni GMA ang direktibang nagbababa sa parusang kamatayan sa habang buhay na pagkabilanggo mula sa rekomendasyon ng Department of Justice sina Edgar Maligaya at Rodrigo Calma.
Hindi binanggit ng Pangulo kung ano ang kaso ng dalawang nabigyan ng pagbaba ng hatol.
Inihayag din ng Pangulo na ipinaubaya na niya sa Kongreso ang pagpapasiya kung dapat na alisin na ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection o bigyan ng susog ang umiiral na batas na nagpanumbalik sa parusang bitay.
Sa kasalukuyan ay may 100 bilanggo ang nasa death row na nahatulan ng kamatayan noong panahon ng Estrada Administration. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended