2 utol ni Robin Padilla kandidato
March 6, 2001 | 12:00am
CAMARINES NORTE Dalawang kapatid ni Robin Padilla ang tatakbo bilang gobernador at kongresista sa ilalim ng partidong Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang pormal na nag-file ng certificate of candidacy noong huling araw na itinakda ng Comelec.
Si Roger Padilla ay siyam na taong nagserbisyo sa bayan ng Jose Panganiban bilang alkalde at ngayon ay tatakbong gobernador ng lalawigan ng Camarines Norte upang mas lalo umanong mapalawak ang kanyang serbisyo sa taumbayan.
Samantalang si Roy Padilla Jr. naman ay muling tatakbong Congressman makaraang ipakita nito sa kanyang mga kababayan ang pagiging Most Outstanding Congressman noong nakalipas na taon na siyang nagsilbing inspirasyon upang muling tumakbo bilang kinatawan ng nasabing lalawigan. Tatlong beses na nahalal bilang gobernador si Padilla Jr. at sa siyam na taong panunungkulan ay malaki ang ipinagbago ng lalawigan dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan.
Ang Buklod Kabataan sa 12 bayan ng lalawigan ay nagkaisa na sumuporta sa magkapatid a Padilla sa tunay na pagbabago ng lalawigan. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
8 minutes ago
Recommended