Kinilala ng pulisya ang mga biktima na ngayon ay nasa ospital ay sina Laparecio Mangasar, 55; Christina Mangasar, 50; Jocwelyn Cunanan, 40; Lito Ledesma, 56; Francia de la Peña, 10; Elfie Eleazar, 21; Dolor Dulay, 34; Chris Ibarra, 21; at Angelito Del Rosario, 42.
Ayon sa ulat ng pulisya, isang hindi nakilalang lalaki ang naghagis ng granada sa bubungan ng tindahan bago bumagsak sa harapan ng mga biktima.
May mga nakasaksi na ang suspek ay naglakad lamang ng normal matapos na maisagawa ang krimen subalit walang nakakilala sa lalaki na pinaniniwalaang rebelde na naghahasik ng lagim sa naturang bayan.
May paniniwala ang Armys intelligence community na responsable ang MILF rebels sa naganap na pagpapasabog.
Sinabi naman ni Kabacan Mayor Wilfredo Bataga, na ang nasabing bayan ay biktima na ng ika-14 na pagsabog ng granada ng mga rebelde magmula pa noong buwan ng Enero.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring sinisiyasat ang motibo nang naganap na pagsabog. (Ulat ni John Unson)