'Manananggal', sumalakay sa Dasma, pamilya nabiktima
March 5, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Ibang pagroronda ang ginagawa ngayon ng mga residente ng bayang ito dahil sa umanoy pagsalakay ng mga "manananggal" sa kanilang mga tahanan tuwing hatinggabi.
Pitumpung katao na ang nabibiktima ng mga hindi pa kilalang mga suspek na kung tawagin ay "manananggal" ng kuntador.
Ang huling nabiktima ay ang bahay ng magkakapatid na Simera na sina David 41; Roderick, 39, Eleuterio, 37 at SPO2 Isagani, 42 na miyembro ng Dasmariñas, PNP. na pawang nakatira sa Sitio Piela, Bgy. Sampaloc.
Batay sa salaysay ng mga biktima sumasalakay ang naturang mga magnanakaw na kung tawagin ay Kuntador Gang habang sila ay nasa kasarapan ng tulog.
Madalas umanong kumakahol ang mga aso subalit hindi sila bumabangon para sumilip sa pag-aakalang may dumaraan lang na tao sa kanilang lugar.
Sa pangyayaring ito agad na pinaalerto ni Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga ang kapulisan maging ang mga baranggay tanod na magsagawa ng pagroronda sa kanilang lugar para matigil at mahuli ang mga magnanakaw ng kuntador. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended