Jeep nahulog sa bangin: 7 patay, 25 sugatan
March 5, 2001 | 12:00am
Kamatayan ang sinapit ng pito katao matapos ang ilang araw na pagbabakasyon sa Baguio City habang 25 ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep sa may Burgos, La Union kamakalawa ng gabi.
Namatay habang dinadala sa Ilocos Regional Medical Center sa San Fernando City,La Union sina Angelika Bagayan,6; Jeffrey Javier; Alma Javier; Joselito Javier; Maggie Javier at ang mag-asawang Romeo de Leon at Lourdes de Leon.
Samantala hindi pa nakikilala ang mga nasugatan na dinala sa ibat ibang pagamutan.
Sa ulat na nakarating kahapon sa National Disaster Coordinating Council sa Camp Aguinaldo na ang insidente ay naganap dakong alas 6:00 ng gabi habang sakay ang mga biktima ng jeep na minamaneho ng isang Ricarte Langcoa na nagmula sa Baguio City at papunta sa Tuguegarao, Cagayan Valley.
Nang palusong na ang nasabing sasakyan ay nawalan ng kontrol sa manibela si Langcoa at ito ay dumiretso sa bangin na may lalim na 10 talampakan na naging dahilan ng kamatayan ng mga biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended