Posters na wala sa mga designated areas, babaklasin

OLONGAPO CITY – Nagbabala ang mga anti-trapo activist sa mga kumakandidatong senador na hindi sila mangingiming tanggalin ang mga campaign posters ng mga ito na nakadikit sa mga pangunahing lansangan kapag hindi sumunod sa kautusan ng Commission on Election ukol sa paglalagay ng mga posters sa mga tinalagang lugar.

Ayon kay John Bayarong, tagapagsalita ng Wais na Botante na nagbabala sila sa mga tumatakbong senador na sumunod sa kautusan ng Comelec na magdikit sa itinadhang lugar.

Marami na umano silang tinanggal na poster na lumabag sa kautusan ng Comelec tulad nina Cong. Ralph Recto, dating Speaker Manny Villar, dating PNP Chief Panfilo Lacson,dating Press Secretary Dong Puno at dating Bulacan Governor Obet Pagdanganan na inalis sa mga pangunahing lansangan ng Zambales national road, Bataan Hi-way at Olongapo Road. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments