^

Probinsiya

Barangay Captain, nasamsaman ng matataas na kalibre ng baril

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang barangay chairman at kasalukuyang political leader ng isang alkalde sa bayan ng Arayat, Pampanga ang dinakip ng pulisya matapos na mahulihan ng matataas na kalibre ng baril sa isinagawang checkpoint sa Barangay San Jose, San Fernando City, Pampanga.

Sa ulat ni Pampanga Provincial Police Office Director Superintendent Ismael Rafanan, nakilala ang dinakip na barangay official na si Norberto Lumbang, 42, ng Barangay Laquios, Arayat sa nasabing lalawigan. Kasamang inaresto ng pulisya ang kasamahan nitong si Jose Menese.

Ayon sa ulat, bandang alas- 11:30 ng gabi ng arestuhin ng mga tauhan ng PNP-Provincial Mobile Group sina Lumbang at Menese lulan ng isang sasakyan sa isang checkpoint ng mga awtoridad sa kahabaan ng MacArthur highway sa Barangay San Jose ng nasabing lalawigan.

Napag-alaman na si Lumbang ay iniulat na isa sa political leader ni Arayat Mayor Benigno Espino.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga nabanggit na suspect ang dalawang M-16 armalite rifles at isang 9MM pistol na pawang walang mga kaukulang dokumento. (Ulat ni Jeff Tombado)

ARAYAT

ARAYAT MAYOR BENIGNO ESPINO

BARANGAY LAQUIOS

BARANGAY SAN JOSE

JEFF TOMBADO

JOSE MENESE

NORBERTO LUMBANG

PAMPANGA

PAMPANGA PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR SUPERINTENDENT ISMAEL RAFANAN

PROVINCIAL MOBILE GROUP

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with