^

Probinsiya

NPA rebels na sumalakay sa police station, tinutugis

-
Nagpalabas kahapon ng malawakang operasyon ang PNP laban sa mahigit na 50 rebeldeng NPA na lumusob sa isang police station, nang-hostage ng mga pulis at pagkatapos ay tumangay pa ng matataas na kalibre ng armas, kamakalawa ng umaga sa Burdeos, Quezon.

Kasabay nito, ipinasailalim ni Acting PNP Chief Deputy Director General Leandro Mendoza sa red alert ang lahat ng units ng pulisya sa nasabing lalawigan upang maiwasang maulit pa ang naganap na pagsalakay ng mga rebeldeng komunista at panglalansi sa mga tauhan ng pulisya.

Base sa pinakahuling impormasyon, nakatanggap ng intelligence report ang nasabing himpilan hinggil sa umano’y presensiya ng mga rebeldeng NPA sa isang malayong barangay sa nasabing bayan. Mabilis namang nagresponde ang mga pulis, kung saan ay tatlo lamang ang naiwan sa nabanggit na istasyon.

Nang makaalis na ang ibang pulis ay saka sinalakay ng mga rebelde ang naturang himpilan ng pulisya at doon kinuha ang lahat ng armas.

Ginawa pang hostage sa kanilang pagtakas ang tatlong pulis na nakilalang sina SPO1 Suarez, SPO1 Suplido at PO1 Leynes. (Ulat nina Joy Cantos at Tony Sandoval)

BURDEOS

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

GINAWA

JOY CANTOS

KASABAY

LEYNES

MABILIS

NAGPALABAS

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with