White sand quarrying sa Cebu, bubusisiin

Posible kayang ang white sand sa Boracay mansion pool ng babae ng dating Pangulo ay buhat sa pristline island shores sa Visayas ?

Binanggit ng isang mataas na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na humiling na huwag siyang pangalanan, na maaaring ang ulat na ito ay may katotohanan, gayunman wala pang matibay na ebidensiya ukol dito.

Gayunman, binanggit nito na sinimulan na nilang siyasatin ang tungkol sa white sand quarrying na isinasagawa ng isang grupo ng sindikato. Ito umano ay nakumpirmang laganap na isinasagawa sa southern islands ng bansa partikular na sa Cebu.

Sinabi naman ni DENR officer-in-charge Joemari Gerochi na inatasan na niya ang lahat ng regional offices na manmanang mabuti ang lahat ng mga kahinahinalang vessels at barges na maaaring nagkakarga ng mga genuine white sand at iba pang marine aggregates na ninanakaw sa mga islands na tinagurian pang ‘virgin seashores’.

Ayon sa kanya malaki ang kanilang hinala na may mga taong ilegal na kumukuha ng white sand sa ibat-ibang lugar at ito ay ibinebenta sa ilang beach resorts o sa mga pribadong mansiyon.

Ang mga white sand umano at iba pang marine aggregates ay mga expensive materials o accessories na ginagamit sa landscaping upscale ng mga malalaking bahay, partikular na sa Luzon na dito ang mga buhangin sa seashores ay masasabing naabuso o napabayaan na. (Ulat ni Jerry Botial)

Show comments