Toll fee hike sa South Expressway, hiling ibasura
March 2, 2001 | 12:00am
Muling iginiit kahapon ng isang mambabatas sa Toll Regulatory Board (TRB) na huwag pagbigyan ang mungkahing pagtataas ng 250 porsiyentong singil sa toll rates sa South Luzon Tollway.
Ayon kay Laguna Rep. Danton Bueser, isang highway robbery ang nais na mangyari ng Phil. National Construction Corp. at ng Citra Metro Manila Tollways Corp., ang private operator ng South Luzon Tollway na pagtataas ng 250 porsiyentong singil sa toll rates.
Hindi dapat payagan ng TRB ang nasabing mungkahi dahil ang mga motorista umano ang siyang maaapektuhan. Hindi na nga umano maayos ang daloy ng trapiko sa nasabing kalsada ay tataasan pa ang singil sa toll rates.
Kung pagbibigyan umano ang petisyon ng pagtataas ng toll rate ay siguradong magpe-petisyon naman ang mga public operators ng mga pampasaherong bus at jeep na magtaas ng singil sa pasahe.
Magugunitang nagpetisyon ang PNCC at Citra MMTC sa TRB na magkaroon ng 250 porsiyentong pagtaas sa tool fees.
Nakasaad sa mungkahi na gawing P35 ang dating P10.50 na singil sa mga kotse at jeeps na nagdadaan mula sa Magallanes at Bicutan; P20 ang dating P6 mula sa Bicutan hanggang Sucat at karagdagang P20 buhat sa Sucat hanggang Alabang, Muntinlupa City.
Ang trucks at buses naman na nagbabayad ng P21 sa Magallanes-Bicutan ay gagawing P90 at ang mga dating P12 na ibinabayad ng mga dumaraan sa Bicutan-Sucat ay gagawin namang P50, samantalang ang mga dumadaan naman sa Sucat-Alabang na nagbabayad ng P12 ay gagawing P50. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
5 hours ago
Recommended