Batay sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo mula sa SOUTHCOM , sinunog ng mga rebelde ang relay station towers ng Smart, Philcom at PLDT sa may Barangay Silop, Mainit, Surigao del Sur.
Bagaman walang naiulat na nasawi o nasugatan sa nasabing insidente ay nagdulot naman ito ng matinding takot sa mga residente at nagparalisa sa komunikasyon sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, ang pananalakay ay madalas na ginagawa ng mga suspect sa tuwing tatangging magbigay ng revolutionary tax ang management ng kompanya na kanilang pinupuntirya.
Dahil dito, patuloy ang ginagawang pagtugis ng tropa ng militar laban sa komunistang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)