Dinukot na pharmacist nagpakasal na sa ASG commander
March 1, 2001 | 12:00am
Sa wakas ikinasal na rin kay ASG commander Mujib Susukan at sa kapatid nito ang dinukot na dalawang dalaga, kabilang dito ang pharmacist na anak ng isang alkalde sa Sulu sa ginanap na seremonya sa isang tagong lugar sa lalawigan.
Base sa ulat, sa kabila umano ng matinding pagtutol ni Tapul Island Mayor Daud na makasal ang 24-anyos niyang anak na si Nurhana Tulawie Daud kay ASG commander Mujib Susukan ay wala na itong nagawa dahilan sa ang kanyang anak na mismo ang nagdesisyong pakasal sa opisyal ng mga bandido.
Samantalang ang isang kinidnap na kinilala namang si Nursalyn Basali, kaibigan ni Nurhana ay napakasal naman sa kapatid ni commander Susukan na kinilalang si Jahid.
Nabatid na nagkaroon ng double wedding sa pagitan ng Susukan brothers at dalawang kidnap-victim na pinagtibay ng isang Inam sa Lumbaan, Patikul.
Magugunitang naunang nagpadala ng P100,000 dowry si Susukan sa pamilya ni Nurhana para hingin ang pahintulot ng mga ito na sila ay makasal. Ito ay ipinabalik naman ni Mayor Daud na nagsabing hindi siya papayag na makasal sa lider ng bandido ang kanyang anak, gayunman natuloy pa rin ang kasal dahil mismong ang dalaga na ang nagdesisyon nito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest