Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng mga ito, gayunman sinasabing kapwa sila may ranggong SPO1.
Sa panayam ng PSN kay Senior Inspector Oscar Mase Sr., Basud chief of police na ang dalawang pinaghihinalaang suspect na pulis ay kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon sa loob ng PNP Provincial Headquarters. Isasailalim din ang mga ito sa paraffin test.
Ang dalawa ay dinakip matapos na magbigay ng pahayag ang mga kamag-anak ng dalawang biktima na sina Lourdes Trinidad, 18 at ang ka-live-in nito na si Roderick Yarte, 22, alyas Kuwatog.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na paghihiganti ang posibleng motibo sa isinagawang krimen.
Bago umano maganap ang pagpaslang sa mag-lover ay may sinampal na asawa ng pulis si Kuwatog sa isang pamilihang bayan sa Daet. Sa galit ng naturang pulis ay pinagbantaan nito ang buhay ni Kuwatog.
Sinabi naman ni Rosauro Trinidad, ama ng nasawing si Lourdes, lumalabas na hindi nagtatalik ang dalawa ng ito ay ratratin ng mga suspect, dahilan sa bali ang buto sa kaliwang braso ng kanyang anak, may pasa sa dibdib na hinihinalang nanlaban ito sa mga suspect. Nakita rin sa pinangyarihan ng krimen ang punit-punit na panty ng biktima na may hinalang sapilitang hinubaran ng mga suspect bago ipinatong sa hinubaran ding bangkay ni Kuwatog. (Ulat ni Francis Elevado)