Kinilala ng pulisya ang biktima na si Anicia Dino, ng nabanggit na lugar.
Tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang tumakas na suspect na pamangkin ng biktima na nakilalang si Eduardo Dorol, 35, may asawa.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon ay nakikipag-inuman ang suspect sa kanyang mga kaibigan sa loob ng bahay ng ama nitong si Antolin.
Nakita umano ng matandang Dorol na nakaupo ang kanyang anak sa isang silyang pambata kung kaya ito ay kanyang pinagsabihan.
Imbes na sumunod sa kanyang ama ay galit pa itong pinagmumura ang matanda at hindi pa nagkasya at nilapitan ito at saka pinagbubugbog.
Naawat naman ang suspect sa ginagawa nitong pambubugbog sa kanyang ama at ilang minuto pa ang lumipas ay umalis na ito (suspect) at nagtungo naman sa bahay ng kanyang tiyahin.
Sa hindi malamang dahilan ay biglang kumuha ng isang piraso ng dos-por-dos ang suspect at walang sabi-sabing pinaghahataw sa ulo ang kanyang tiya na noon ay nakaupo lamang sa balkonahe ng bahay.
Matapos matiyak na napatay niya ang kanyang tiya ay mabilis na tumakas ang suspect. Iniwan nito ang kahoy na ginamit sa pagpaslang.
May hinala ang pulisya na sa sobrang galit sa kanyang ama ang dahilan kung kaya napagdiskitahan nitong paslangin ang kanyang tiyahin. (Ulat ni Tony Sandoval)