Barangay captain nilikida sa brgy. hall
February 25, 2001 | 12:00am
LEGAZPI CITY - Isang barangay captain ang hindi na umabot pang buhay sa pagamutan matapos na ito ay pagbabarilin habang nakatayo sa labas ng barangay hall ng Barangay Homapon sa lunsod na ito, kahapon ng umaga.
Nakilala ang nasawing kapitan ng brgy. na si Mauro Maravillas, 35, ng naturang lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ang pamamaril ay naganap dakong alas-8:45 ng umaga habang ang biktima ay nakatayo sa labas ng kanilang barangay hall.
Bigla umano ang pagdating ng dalawang lalaki na armado ng baril na nakasakay sa isang motorsiklo.
Pagtapat ng mga ito sa biktima ay agad na pinaulanan ng bala ng baril.
Bumulagta agad ang biktima habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspect.
Hindi pa matiyak ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pagpatay sa nabanggit na barangay captain. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended