P.1-M ibinigay ng Sayyaf sa pamilya nang dinukot na pharmacist, ibinalik
February 25, 2001 | 12:00am
Matapos na mapagtantong labag sa kalooban ng kanilang anak na dalagang pharmacist ang nangyaring pagkakadukot dito para gawing asawa ng Abu Sayyaf commander na si Mujib Susukan, ipinabalik ng pamilya ng biktima ang inisyal na dowry sa nasabing opisyal ng mga bandido sa lalawigan ng Sulu, kamakalawa.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, ipinabalik ng mga magulang ng biktimang si Nurhana Tulawie Daud, 24, partikular na ng ama nitong si Tapul Island Mayor Hadie Dornie Tulawie Daud ng nasabing lalawigan na tanggapin ang P100,000 inisyal na dowry na ipinadala ni commander Susukan upang mapangasawa ang kanilang anak.
Sinabi pa ng pamilya ng biktima na hindi nila matatanggap na maging manugang si Susukan na siyang kanang kamay ni Ghalib Andang, alyas Kumander Robot dahilan isa itong bandidong kriminal na sangkot sa kidnap-for-ransom.
Magugunita na nagpadala na ng paunang P100,000 dowry si Susukan sa pamilya ng kanilang dinukot na pharmacist at ito ay bubuuin nilang isang milyon kung papayag sila (pamilya ng biktima ) na maging asawa niya ang kanilang anak. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest