2 kidnap-victims naisalba, 3 kidnappers nasakote
February 25, 2001 | 12:00am
Nasagip ng puwersa ng Phil. National Police at Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang dinukot na negosyante at sekretarya nito na nagresulta sa pagkaaresto sa tatlong kidnappers sa isinagawang raid sa hideout ng mga suspect sa Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Sa ginanap na press conference kahapon, prinisinta nina DILG Secretary Joey Lina at acting PNP chief Deputy Director General Leandro Mendoza ang dalawang nasagip na biktima at mga naarestong suspect.
Kinilala ang dalawang nasagip na biktima na sina Fe "Nene" Cosay Chua at ang sekretarya nito na si Susan Casado. Ang dalawa ay nasagip matapos ang may 24 araw na pagkabihag.
Nakilala naman ang nahuling mga kidnappers na sina Santos Remuyan, 36, alyas Sansi ng Bula, Sorsogon na may warrant of arrest sa kasong murder; Cesar Ramos, 36, driver at Homer Rasado, 33. Ang pagkakadakip sa mga ito ay nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P325,000 cash na bahagi ng hininging ransom sa pamilya ng biktima.
Magugunita na ang mga biktima na sina Casado at ang dalawang negosyanteng sina Fe Cosay at Salvacion Cosay Tan ay dinukot noong nakalipas na Enero 30, taong kasalukuyan sa Pili, Camarines Sur highway habang patungo ang mga ito sa Naga City.
Gayunman, ang biktimang si Tan ay naunang pinalaya noong nakalipas na Pebrero 22 sa Alabang Muntinlupa matapos na magbayad ng P4. 86 milyong ransom.
Ang paglaya ni Tan ang nagbigay daan upang matukoy ang kinaroroonan ng mga suspect.
Nabatid na humihingi ng kabuuang P40 milyon ransom ang mga kidnappers na itinaas pa ng mga ito sa P60 milyon.
Hindi na umano nakapalag pa ang mga suspect sa sorpresang pagsalakay ng mga awtoridad at dito’y nakita ang dalawang biktima na ikinadena sa isang makipot at madilim na kuwarto ng hideout.
Nasamsam rin sa mga suspect ang tatlong cellphones units, isang kulay puting Revo na may plakang WMW-910 at P325,000 na bahagi ng P4.86 M ransom na nakuha ng mga suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended