Ayon kay Lt. Col. Danilo Servando, Armed Forces regional spokesman na malaki ang kanilang paniwala na marami pa ang nakabaon sa naturang lugar matapos na matuklasan ang bangkay ng magkakapatid sa iisang hukay sa liblib na lugar dito.
Sinabi pa nito na isang nadakip na rebelde ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa pinaglibingan sa tatlong magkakapatid.
Ito umano ay pinaslang ng kanilang grupo sa hinalang nagbibigay ng impormasyon sa militar ukol sa kilusan.
Nakilala ang mga pinaslang na magkakapatid na sina Bang Perna, 29; Tebag, 20 at ang kapatid nilang babae na si Alsid. (Ulat ni Joy Cantos)