^

Probinsiya

3 bangkay ng magkakapatid nadiskubre ng militar

-
ZAMBOANGA – Nahukay ng mga tauhan ng Phil. Army ang bangkay ng tatlong magkakapatid na sinasabing nilikida ng mga rebeldeng komunista makaraang pagbintangan na sila ay impormante ng militar.

Ayon kay Lt. Col. Danilo Servando, Armed Forces regional spokesman na malaki ang kanilang paniwala na marami pa ang nakabaon sa naturang lugar matapos na matuklasan ang bangkay ng magkakapatid sa iisang hukay sa liblib na lugar dito.

Sinabi pa nito na isang nadakip na rebelde ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa pinaglibingan sa tatlong magkakapatid.

Ito umano ay pinaslang ng kanilang grupo sa hinalang nagbibigay ng impormasyon sa militar ukol sa kilusan.

Nakilala ang mga pinaslang na magkakapatid na sina Bang Perna, 29; Tebag, 20 at ang kapatid nilang babae na si Alsid. (Ulat ni Joy Cantos)

ALSID

ARMED FORCES

AYON

BANG PERNA

DANILO SERVANDO

JOY CANTOS

NAHUKAY

NAKILALA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with