3 engineers tiklo sa baril at karnap na sasakyan
February 24, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Dalawang engineer ang nasakote ng operatiba ng 4th Regional Traffic Management Group sa hiwalay na operasyon na isinagawa sa Batangas at Lucena, Quezon makaraang mahulihan ang isa sa mga ito ng baril habang ang isa naman ay nakuhanan ng karnap na sasakyan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Eduardo Sumanga, 53, civil engineer at nakatira sa Mega Heights Subdivision, Barangay Alangilan, Batangas City at Eng. Brigido Malaluan ng Lucena City.
Si Sumanga ay nahulihan ng isang cal. 357 at isang 9mm na parehong walang kaukulang papeles, samantalang narekober naman kay Malaluan ang isang karnap na Mitsubishi L200.
Binanggit pa sa ulat na ang naturang sasakyang nakuha kay Malaluan ay pag-aari ng Suner Tech. Corp. na nakarnap noong nakalipas na Oktubre 1999 sa Annapolis St. Greenhills San Juan, Metro Manila.
Ang mga nadakip ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am