^

Probinsiya

Dinukot na Griego, natagpuang patay

-
Natagpuan kahapon ng mga ahente ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang bangkay ng dinukot na Greek shipping executive sa Morong, Rizal, mahigit isang buwan makaraang siya ay dukutin ng hindi nakikilalang mga lalaki sa Manila, kamakailan.

Nakilala ang nasawing kidnap-victim na si Felippo Orfanos.

Ang kanyang bangkay ay natagpuang itinapon sa kanal sa may highway sa Barangay Maybakal, Morong, Rizal.

Dahil dito, agad namang iniutos ni PAOCTF chief, Director Hermogenes Ebdane sa Task Force Luzon head, Superintendent Alan Purisima na tugisin ang mga kidnappers ni Orfanos.

Nakipag-ugnayan na rin si Ebdane sa Greek Embassy na maimpormahan ang pamilya at kamag-anak ng biktima.

Sinabi ng ilang sources buhat sa Task Force Luzon na isa sa mga suspect na nakilalang si Abdul Macaumbang ang naaresto sa pinagkukutaan ng mga kidnappers sa Maharlika Village, Taguig. Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa iba pang suspects.

Binanggit pa sa ulat na tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima ng ito ay matagpuan. Sinasabing tatlo hanggang apat na araw na itong patay.

Malaki ang paniwala ng pulisya na si Orfanos ay tuluyang pinatay ng kanyang mga abductors matapos na mabigo ang kanyang pamilya na magbayad ng P 5 milyong ransom na unang hiningi ng mga suspect. Ito ay bumaba sa P500,000 sa isinagawang negosasyon.

Nabatid pa na si Orfanos ay dinukot noong nakalipas na Enero 15, ng taong kasalukuyan habang ito ay papasok sa kanyang tanggapan sa OBSM Shipping Office sa Manila. (Ulat ni Cristina Mendez)

ABDUL MACAUMBANG

BARANGAY MAYBAKAL

CRISTINA MENDEZ

DIRECTOR HERMOGENES EBDANE

FELIPPO ORFANOS

GREEK EMBASSY

MAHARLIKA VILLAGE

ORFANOS

TASK FORCE LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with