6 Japanese national nakaligtas sa ambush
February 24, 2001 | 12:00am
Anim na Japanese engineers kasama ang dalawa nilang driver na Pinoy ang nakaligtas sa bigong ambush na naganap sa may Bulacao section sa Cebu, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Nabatid na tatlong hindi nakikilalang kalalakihan ang pumosisyon sa makitid na daan at mula doon ay pinaulanan ng bala ng baril ang dalawang van na kinalululanan ng mga engineers ng TOA Construction, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga dayuhan na sina Harutashi Usui, Hinorobou Takeuchi, Yashinobu Fukushima, Tashiniko Amano, Kyota Norizoki at Takayashu Koga.
Tanging ang driver sa unang sasakyan ang nagtamo ng kaunting sugat dulot ng pagkabasag ng salamin ng sasakyan.
Lumalabas sa isinagawang inisyal na imbestigasyon na posibleng holdap ang siyang pangunahing motibo sa isinagawang pananambang.
Mabilis namang nakahingi ng tulong ang mga dayuhan sa malapit na police detachment kung kaya agad na nagsiatras ang mga suspect at hindi naipagtagumpay ang kanilang balakin.
Hindi naman nagbigay ng anumang komento ang Japanese embassy ukol sa pangyayari.
Binanggit pa sa ulat na ihahatid na sa kanilang staff house sa Saint Jude Acres sa nabanggit na siyudad ang mga Hapones nang atakihin sila ng mga suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
10 hours ago
Recommended