^

Probinsiya

Nagtalo sa gastos sa bahay; lalaki napatay ng bayaw

-
TANAY, Rizal — Dahil umano sa pagtatalo sa partihan ng gastos sa bahay na parehong tinitirhan ng kanilang pamilya, napatay ng isang 39-anyos na lalaki ang kanyang pinipisanang bayaw nang kanya itong pagsasaksakin sa gitna ng kanilang inuman, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Namatay dahil sa mga saksak na tinamo sa katawan ang biktimang si Wilfredo Villaba, 43, ng Sitio Balimbing, Barangay Plaza Aldea ng bayang ito. Hindi na ito umabot nang buhay sa Tanay Community Hospital makaraang isugod ng kanyang mga kamag-anak.

Agad namang naaresto at kasalukuyang nakaditene sa Tanay detencion cell ang suspect na si Abelardo Ogalisco, bayaw at kasama sa bahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon kamakalawa sa loob ng tinitirhang bahay ng dalawa. Nag-iinuman umano ang mga ito kasama ang dalawang kapitbahay nang mag-umpisang ungkatin ni Villaba ang tungkol sa maliit na perang ibinibigay ni Ogalisco para sa pagkain sa bahay.

Nagiging pabigat na umano ang suspect at pamilya nito sa kanya at halos hindi man lang makatulong.

Dito naman nagalit ang suspect at isang pagtatalo ang namagitan sa kanila, hanggang sa tuluyang magkasuntukan ang mag-bayaw. Agad naman silang naawat ng kanilang mga kainuman, gayunman nagtungo sa kusina ang suspect at kumuha ng patalim.

Pagbalik nito ay bigla-bigla na lamang sinaksak ang biktima.

Agad namang naaresto ng mga nagrespondeng barangay tanod ang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABELARDO OGALISCO

BARANGAY PLAZA ALDEA

DAHIL

DANILO GARCIA

DITO

SITIO BALIMBING

TANAY COMMUNITY HOSPITAL

WILFREDO VILLABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with