Kinilala ang napatay na opisyal ng MILF na si Magdingan Dansalan, alyas Kumander Teng at ang kanang kamay nitong si Ayunan Ambalagan.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, dakong alas-11 ng umaga nang tangkain ni Kumander Teng at alalay nito na agawin ang M16 rifle at tumalon sa M35 truck ng tropa ng militar.
Bunga nito, ang dalawa ay napilitang barilin ng mga elemento ng Army ng tangkain ng mga ito na manlaban at tumakas.
Napag-alaman na si Kumander Teng at ang tauhan nitong si Ambalagan ay nadakip sa isinagawang combat operations dakong alas-5 ng umaga sa bisinidad ng Barangay Tapehan, Shariff Aguak, Maguindanao, kamakalawa.
Nakatakda na sana nitong ituro sa mga tauhan ng militar ang arms cache ng kanilang grupo ng isagawa ang tangkang pagtakas. (Ulat ni Joy Cantos )