Ayon sa ulat na tinanggap ng QPPO, noong nakaraang Pebrero 6, ganap na alas-5:00 ng umaga ay isang foreign vessel ang namataang nakadaong sa karagatang sakop ng Barangay Handagua na may 10 kilometro ang layo sa pampang.
Ang naturang sasakyang pandagat ay sinasabing naglululan ng mga dayuhang pawang Chinese nationals at hinihinalang sa lugar na ito pumupuslit papasok sa bansa.
Sa dis-oras umano ng gabi isinasagawa ng sindikato ang operasyon ng human smuggling sa tulong na rin ng ilang mga corrupt na government officials kapalit ng malaking halaga.
Hinihinala ng mga awtoridad na ang kaluwagan sa pagpapatupad ng mga batas sa lalawigan tungkol sa coastal area nito ang nagiging dahilan upang maengganyo ang mga sindikato na sa mga karagatang sakop ng Quezon sila pumasok. (Ulat ni Tony Sandoval)